Home > Uncategorized > Malagim na linggo

Malagim na linggo

November 18th, 2009 admin

Noong Miyerkoles, natagpuang patay si Carmelo Palacios, reporter ng Radyo ng Bayan, sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Si Palacios ay pang labingpitumput- isa (51) na journalist mula nang umupo sa Malaca?ang si Gloria Arroyo kahit hindi binoto ng taumbayan.

Natagpuan ring patay ang sampung araw nang nawawalang si Julia Campbell, ang Amerikanang Peace Corp volunteer, sa ilalim ng bangin sa Batad, Banaue,Burberry Handbags, Ifugao. Mukhang pinagnakawan at pinagsamantalahan si Campbell, sabi sa mga unang report ng Cordillera pulis.

Ito namang si Justice Secretary Raul Gonzales, sinisi pa si Campbell. Bakit raw kasi naglakad na mag-isa? Despalinghado talaga ang pag-iisip nitong paboritong cabinet secretary ni Arroyo.

Noong Huwebes, binaril si Delfin Mallari, Jr., correspondent ng Inquirer sa Southern Luzon, at ang kanyang kasamang DZMM reporter na si Johnny Glorioso, ng isang hindi nakilalang lalaki na naka-motorsiklo habang siya ay nagma-maneho sa Lucena City.

Natamaan sa likod si Mallari ngunit swerteng buhay siya. Hindi nasaktan si Glorioso.

Ang pinakalagim na nangyari ay ang pagpugot ng Abu Sayyaf ng ulo ng pitong construction workers sa Sulu noong Huwebes din.

Ang pito ay mga trabahador ng BJ Construction na pag-aari ni Sulu Gov. Benjamin Loong (tingnan mo naman gubernador na may construction company at may kontrata na road project sa pamahalaan) at may ginagawa silang kalsada sa Parang, Jolo.

Humingi ang Abu Sayyaf ng P5 milyon. Nang hindi nagbigay si Loong, pinugutan ang ulo ang kawawang mga trabahador. Una nilang pinadala ang ulo ng dalawa na nakalagay sa sako sa headquarters ng Alpha Company ng 33rd Infrantry Batallion. Pagkatapos ng dalawang oras,Louis Vuitton Belts, ang ulo naman ng lima ang dinala sa Charlie Company sa ibang barangay. Nakuha na rin ang kanilang mga katawan na nakagapos.

Demonyo talaga itong mga Abu Sayyaf.

Dalawa doon sa pito ay katatapos lang ng highschool at napunta doon sa Sulu para lang kumita ng kaunti. P200 isang araw ang bayad sa kanila.

Siyempre,Replica Miu Miu, nagpapakita na naman ng gilas ang Malaca?ang. Ubusin raw ang Abu Sayyaf, sabi na naman ng pekeng presidente.
Ano ang nangyari sa kanyang pagyayabang noong 2001 nang nagkidnap ang Abu Sayyaf sa Dos Palmas resort sa Palawan na “Isang bala ka lang.”

Sinabi ni Ric Blancaflor, ang terrorism expert na talaga naman pilay na ang Abu Sayyaf ngunit kahit naghihingalo na yan, maaari pa ring maghasik na lagim. Yun na nga ang nangyari.

Other articles:

Categories: Uncategorized Tags:
Comments are closed.